Kritikal ngayon ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang Mass Communication student at freelance model noong Enero makaraang maaresto ng pulisya sa Sarangani Province.

Kinilala ni Senior Inspector Marvin Carisma, hepe ng Maitum Municipal Police Station, ang suspek na si Norhan Guimbolanan, 38, nahuli sa bisa ng warrant of arrest sa Pinol, Maitum Sarangani kaugnay sa panggagahasa at pagpatay sa biktimang si Cindy Rose Villena.

Ngunit, nagtangka itong tumakas at manlaban sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril kung kaya’t napilitang gumanti ang mga pulisya at tinamaan siya sa dibdib.

Isinugod si Guimbolanan sa Maitum Municipal Hospital subalit inilipat sa General Santos City Hospital dahil sa kritikal na kondisyon.
National

Shear line, easterlies patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH