NATUWA naman kami para sa The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod dahil maaga niyang natanggap ang kanyang pamasko.
Na-turn-over na sa kanya nitong Oktubre 15 ang napanalunang 2-storey house 40 square meters at fully furnished mula sa Camella Homes, Genereal Trias, Cavite.
Bukod sa bahay at lupa ay nakatanggap din si Lyca ng dalawang milyong piso at recording contract sa Star Records bilang premyo.
Tuwang-tuwa si Lyca na magkakasama silang buong magpapamilya at wala na silang agam-agam tuwing may bagyo.
“Kasi po ‘pag may bagyo, lagi kaming nag-i-evacuate,” say ng batang singer.
Samantala, full packed ang ginanap na fans day ng The Voide Kids Final 4 sa Glorietta, Makati City na binubuo nina Lyca, Darren, Darlene at Juan Karlos.