Isang 64-anyos na lolo ang nasugatan nang saksakin ng ‘di nakilalang suspek matapos na magtalo ang mga ito dahil lamang sa parking sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Carding Dimalanta, mayasawa, parking boy at barker ng Maria Payo Street, Tondo, sanhi ng saksak sa kanang baba. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na kinilala lamang sa alias “Nognog.”

Lumilitaw sa report ng Manila Police District (MPD), na dakong 7:20 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng isang kilalang food chain sa Juan Luna Street sa Tondo. Nagtalo ang biktima at suspek dahil nakikialam ang suspek sa pagsasaayos ng parking sa lugar na trabaho ng biktima, na ikinagalit ng huli. Nauwi ang pagtatalo sa pananaksak.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20