EL SEGUNDO, Calif. (AP)– Hindi pa rin nakasama sa kanyang ikalawang ensayo si Los Angeles Lakers guard Steve Nash makaraang ma-injure ang kanyang likod habang nagbubuhat ng mga bagahe.

Sinabi ni coach Byron Scott na si Nash ay “had a little bit of a setback” noong Miyerkules habang buhat-buhat ang mga bag nito.

Ani Scott, si Nash “hard a twinge in his back”, at agad naisip ng coach na maaari ito ay back spasm. Hindi pa alam ng Lakers kung gaano katagal na hindi makakasabak ang aksiyon ang two-time NBA MVP.

Ang 40-anyos na si Nash ay naglaro lamang sa 15 laro noong huling season habang iniinda ang isang nerve root irritation. Sinusubukan ng Lakers na mapanatiling malusog si Nash sa kabuuan ng training camp, ngunit hindi pa siya nagsasanay mula nang hilinging umalis sa exhibition game noong Linggo dahil sa hindi isinawalat na health problem.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Si Jeremy Lim ay mayroon namang sprained ankle, ngunit ang point guard ay nakisali sa kanilang ensayo noong Miyerkules.