Nilimitahan ng Mapua ang Jose Rizal University (JRU) sa 2 puntos sa overtime period upang pormal na makamit ang panalo at unang finals berth sa juniors division, 76-68, kahapon sa Final Four round ng NCAA Season 90 basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Umiskor ng pinagsanib na 10 puntos sina Noah Lugo (6) at David Velvez (4) para ibigay sa Red Robins ang pagwawagi makaraang umabot sa extension ang laban na nagtapos sa iskor na 66-all sa regulation.

Isang tip-in ni Dennel Aguirre ang siyang naghatid sa laro sa extension, 10.7 segundo na lamang ang nalalabi sa regulation period.

Posible pa sanang nakabig ng Light Bombers ang panalo ngunit hindi na umabot sa oras ang undergoal stab ni Christian Anore.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinangunahan ni Lugo ang nasabing panalo sa ipinoste niyang 18 puntos, 9 rebounds, 3 assists at tigisang steal at block habang nag-ambag naman ng 13 puntos at 17 rebounds si Aguirre.

Sa kabilang dako, tumapos namang top scorer si Mark dela Virgen na nagtala ng 17 puntos, 5 rebounds at 7 steals.