BOGOTA, Colombia (AP)— Nalansag ng mga awtoriad ang isang malaking sex-trafficking ring sa Colombia na gumamit ng mga droga para puwersahin ang mga menor de edad na kalalakihan at kababaihan sa prostitusyon, sinabi ng chief prosecutor’s office noong Martes.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 11 Colombian sa mga lungsod ng Armenia, Cartagena at Medellin at nasagip ang 55 biktima ng sex-trafficking, na ang pinakabata ay 11-anyos.

Sinabi ng prosecutor’s office na ang ilan sa mga bata ay pinagamit ng ecstasy at cocaine. Ang sindikato ay kumikilos sa mga palihim na site at massage parlor, at gumagamit ng mga taxi driver upang dalhin ang mga banyagang kliyente na naghahanap ng underage sex, ayon sa prosecutors
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race