Labingisang pasahero ng isang public utility bus (PUB) ang hinoldap ng dalawang lalaki sa East Avenue, Barangay Central, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nagpanggap na pasahero ang dalawang suspek nang sumakay sa Taguig Metrolink Bus at pagsapit ng East Avenue ay nagdeklara ang mga ito ng holdap.

Gamit ang isang .45 caliber pistol, nagpaputok ng warning shot sa sahig ng bus ang isa sa mga suspek bago isa-isang kinapkapan ang mga biktima at nilimas ang cellphone at salapi.

Bago tumakas ang dalawang holdaper mula sa bus ay nagpaputok uli ang mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabawi ng driver ng bus ang isang basyo ng bala sa loob ng sasakyan, ayon pa sa police report. - Betheena Unite