VICE-Ganda-ospital

HALOS sabay lang na na-confine sa hospital sina KC Concepcion at Vice Ganda. Ang post sa social media ng TV host/comedian ay kasalukuyan siyang nakasuwero na may caption na, “Not a good way to start the week.”

Ikinuwento naman ni Kris Aquino sa programang Aquino & Abunda Tonight noong Lunes na nasa St. Luke’s Medical Center in Quezon City daw ang ‘asawa’ niya na nakaramdam ng matinding acid reflux.

Nabanggit pa na habang nagti-taping ng Gandang Gabi Vice ay masama na ang pakiramdam nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Friday hindi siya nakapag-Showtime pero pinilit niyang mag-shooting ng Praybeyt Benjamin,” kuwento ng Queen of All Media. “Saturday nagso-shooting, pero he was telling me, ‘Hindi okay. Meron akong hindi magandang pakiramdam.’ 

“Sunday we were supposed to hear mass together. ‘Not feeling well ako asawa ko, rest na lang ako,’” sabi raw ni Vice kay Kris.

Ang friend nilang designer na si Paul Cabral ang nagsabi kay Kris na dehydrated si Vice kaya nagpasugod na ito sa hospital.

Nakuwento rin ni Boy Abunda na ayon sa kapatid ni Vice na si Dr. Tina Viceral, “We’re waiting for all lab results. May lagnat pa rin. We’ll have ultrasound later. Ang kumpleto pong medical update ay ibibigay bukas.”

“Katigasan din ng ulo niya,” say naman ni Kris tungkol sa lifestyle ni Vice. “He doesn’t eat before Showtime. Nakasanayan na kasi, working as a sing-along master for so long, ‘di ba? The day really starts at about 3 or 4 PM. ‘Tapos ang unang kain is after Showtime, which is a heavy meal, and then puyat nang puyat. Sanay siya talaga na natutulog siya ‘pag paakyat ang araw. Bago mag-Showtime apat na oras lang ang tulog, ‘tapos kakain ‘tapos magsi-siesta,” kuwento pa ng TV host/actress.