Pinataob ni Kevin Arquero si Rhenzi Kyle Sevillano sa seventh round at pagkatapos ay umiskor ng 1.5 points sa huling dalawang rounds upang kamkamin ang juniors crown habang naisakatuparan ni Dale Bernardo ang two-in-a-row sa kiddies play sa Shell National Youth Active Chess Championships grand finals sa SM Megamall noong Linggo.
Hinadlangan ni Arquero, humiwalay sa pakikipagsalo sa liderato kay Sevillano nang talunin si fancied Jan Galan at Jerich Cajeras sa kaagahan ng rounds, si Sevillano sa kanilang crucial encounter at saka isinunod si Aglipay Oberio sa eighth round bago nakipaghati sa puntos kay Carlo Caranyagan sa final upang tanghaling solo champion sa 20-and-under class na taglay ang 7 points.
Ibinulsa ng City University of Pasay student ang top P30,000 purse at tropeo kung saan ay nakisalo siya sa elite circle ng winners sa longest-running talent-search sa bansa na inisponsoran ng Pilipinas Shell na nakadiskubre na kahalintulad nina GMs Wesley So at Mark Paragua.
Tumabla si second seed Cajeras kay Felix Balbona sa seventh round at tinalo sina Sevillano at Gerard Acedo sa huling dalawa para sa 6.5 points at pagkatapos ay binigo si Balbona sa tiebreak upang tanghaling runner-up na may premyong P20,000.
Pinatunayan ni Bernardo, nagposte ng 5.5 points sa unang anim na rounds, ang katalasan at resumption nang walisin ang kanyang huling tatlong matches kontra kina Romeo Canino, Carl Sato at Istraelito Rilloraza upang pamunuan ang 14-and-under category sa ikalawang sunod na taon na kaakibat ang 8.5 points.
Ang Holy Angel University standout, tumanggap ng P20,000 at tropeo, ay nagwagi sa kabuuang puntos laban kay La Salle Greenhills’ Julius Gonzales, ipinatas ang solid finish kay Bernardo matapos ang mga panalo kina Noel Geronimo, Stephen Rome Pangilinan at Canino na mayroong 7.5 points.