STO. DOMINGO, Nueva Ecija - Tinambangan at napatay ng riding-in-tandem ang isang 43-anyos na ahente ng palay sa Sto. Domingo-Sicsican Road sa Zone 4, Barangay San Fabian sa bayang ito, noong Lunes ng umaga.

Sa report ng Sto. Domingo Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Archie Laus y Tolentino, ng Purok 3, Bgy. Malasin, na nagtamo ng mga tama ng .9mm caliber pistol at agad na nasawi.

Sa pagsisiyasat nina PO3 Orly N. Lagat at PO2 Roderick Beltran, dakong 9:15 ng umaga nang tangayin ng mga suspek ang dalang itim na bag ni Laus na naglalaman ng P500,000 cash.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod