kc-concepcion-copy

KUNG kailan malapit nang magtapos ang Ikaw Lamang ay saka naman nagkasakit ang isa sa lead stars nito na si KC Concepcion.

Nag-post siya nito sa kanyang Instagram account noong Linggo ng gabi: ”Hi guys, nag-positive ako for Dengue kahapon (Sabado). Kaya pala ako nagkaka-high fever na on/off these past 2 days. I’m confined sa hospital. Pero I know I’ll be ok!!! Thank you for your prayers.”

Noong Sabado siya in-admit sa hospital para i-check kung bakit on and off ang lagnat niya at nakumpirma na dengue pala ang dahilan.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nabanggit din sa amin ng staff ng Ikaw Lamang na napansin talaga nilang masama ang pakiramdam ng aktres habang nagti-taping kaya pinagpapahinga na nila, pero nagsabing tapusin na lang ang natitirang eksena.

Samantala, nakita sa mga litratong ipinost ng aktres sa social media na dinalaw siya ni Amy Austria na gumaganap na nanay niya at ni Alora Sasam na gumaganap naman bilang yaya niya.

“Naaaayyy @amyaventura, thank you po sa pagdalaw, love you po. And sa mahal kong ‘Cindy’ @unitednationsofalora thank u din super!!!”

Andami namang netizens na nagtanong kung dinalaw kaya ni Paulo Avelino si KC o baka naman at hindi lang pinost ng aktres ang litrato.

Anyway, ilang tulog na lang at mamaalam na ang Ikaw Lamang at kanya-kanyang hula na ang mga tagasubaybay nito sa mangyayari sa ending.

“Mamamatay si Amy Austria kasi hindi papayag si Christopher (de Leon) na magkatuluyan sila ni Joel Torre. Or, si Joel ang mamamatay,” sabi ng isa.

Dagdag naman ng isa pa, “Parehong patay sina Samuel (Joel) at Franco (Christopher).

Heto ang isa pang wild guess, “Patay si KC (Natalia) kasi ililigtas niya nanay niya (Amy/Isabel) dahil babarilin ng tatay (Franco) niya at ni Mylene (Dizon).

Ang hulang siguradong mangyayari: “Magkakatuluyan sina Gabriel (Coco Martin) at Jacq (Kim Chiu).

Ikaw, Bossing DMB, ano naman ang hula mong ending ng Ikaw Lamang?

(Huhulaan kong ang ending ng Ikaw Lamang ay magiging mataas ang ratings, he-he.... --DMB)