NASUGBU, Batangas - Tatlo katao ang inaresto ng mga awtoridad matapos umanong maaktuhan sa pot session sa Nasugbu, Batangas.

Nadakip sina Eltonior Adiza, 24; Raymond Tumbaga, 33; at Lea Dela Cruz, 25, pawang residente ng Barangay Wawa sa Nasugbu.

Sa report ng pulisya, bandang 6:00 ng gabi noong Oktubre 11 at maghahain sana ng search warrant sa bahay ng isang Mylene Atienza ang grupo ni Insp. Ramon Ancheta nang makatanggap siya ng report hinggil sa isang pot session malapit sa lugar.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University