Kasunod ng pagbaba ng presyo ng diesel, nagpahayag ng kahandaan ang grupong Pasang Masda na ibalik sa P8.00 ang minimum fare sa jeep.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, makikipag-ugnayan sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ipaabot ang kanilang kondisyon.

“Gusto lang po naming magkaroon ng katiyakan sa board, sa LTFRB, kay Chairman Winston Ginez, sakaling ibaba sa P8 ang pasahe ay maaari bang ibalik sa P8.50 sakaling tumaas muli ang presyo ng diesel,” ayon kay Martin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho