Oktubre 8, 1856, sumampa ang ilang Chinese official sa barko ng Hong Kong na tinawag na ‘Arrow’ na nagamit umano sa smuggling at piracy at dinakip ang 12 Chinese na lulan nito. Nagsilbi itong hudyat ng Second Opium War, na tumagal ng apat na taon. Gumamit ang Arrow ng bandila ng Britain at inako ito ng nasabing bansa.

Dahil dito, umapela ang British diplomats na nasa Canton para sa pagpapalaya sa mga bilanggo ngunit tumanggi ang China. Sa Hong Kong, tinangka ng ilang panaderong Chinese na lasunin ang mga Europeo sa lungsod pero bigo sila.

United Kingdom (UK) ang noo’y nangangasiwa sa siyudad.

Matapos matalo noong 1860, napilitan ang China, sa pamamagitan ng Convention of Peking, na gawing legal ang kalakalan sa opium, isuko ang ilang bahagi ng Kowloon sa UK, kilalanin ang Treaties of Tianjin, at bigyan ng kalayaan ang paniniwala sa relihiyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho