Tinambangan at napatay ng tatlong suspek ang isang barangay kagawad sa Tuburan, Cebu, iniulat kahapon.

Sa report ng Tuburan Police sa Philippine National Headquarters (PNP) sa Camp Crame, ang biktima ay nakilalang si Ricardo Aquilla, 50 anyos, kagawad ng Barangay Cogon sa Tuburan.

Sinabi ni PO1 Liliano Pepito, ng Tuburan Police, na nangyari ang insidente dakong 6:00 ng gabi makaraang abangan ng mga suspek na sina Justino Alfeche, Ranel Bantay at Darryl Labandero ang biktima na pauwi na.

Pinabulaanan naman ng sumukong mga suspek na inabangan nila ni Aquilla, iginiit na sila ang inabangan nito at tinutukan ng baril, pero naagaw umano nila ang armas at ginamit ito sa kagawad.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists