Kung mangyari na ang hindi mo inaasahang maagang pagreretiro, narito pa ang ilang dapat mong gawin:

  • Ihanda ang iyong damdamin sa pagbuhos ng mga emosyon. - Tanggapin mo na lang ang iyong sinapit. Hindi ka naman maaaring mamalagi magpakailanman sa iyong pinapasukang kumpanya. Hindi pa ito ang katapusan ng iyong mundo. Ngunit huwag kang tutugon agad bunga ng iyong emosyon sapagkat malamang na mali iyon. Huwag mag-panic. Relax ka lang. Ang gagawin mo sa unang araw ng iyong pagreretiro ay maaaring magbigay sa iyo ng isang bago at kakaibang oportunidad sa susunod pang mga araw kung kaya dapat itong panabikan. Hindi dapat masama ang iyong loob kapag nagpaalam ka na sa iyong employer.
  • Tinatayang 66 mula sa 183 senatorial aspirants ang maisasama sa balota- Comelec

  • Pag-aralan ang iyong budget. - Tiyakin na komportable ka sa kung magkano ang iyong kailangan upang suportahan ang iyong gastusin sa araw-araw. Alamin ang iyong fixed at discretionary na gastusin.
  • Tingnan ang iyong kasalukuyang lifestyle. - Maraming bagay ang maaari mo nang ihinto upang makatipid. Hindi madali ito sapagkat kung nais mong maging financially independent, kailangan mong magpatupad ng mga pagbabago sapagkat naroon ang isyu ng emosyon. Ipaliliwanag mong mabuti sa iyong mga mahal sa buhay kung bakit mo kinakailangang magpatupad ng pagbabago at mahalagang tanggapin nila iyon.
  • Huwag mong galawin ang iyong savings account. - Mainam pa rin na panatilihin mo ang pag-iimpok sa iyong savings account. Disiplinahin ang sarili na huwag mag-withdraw ng anumang halaga maliban na lamang kung ang paglalaanan ay nasa pagitan ng buhay at kamatayan. Ito dapat ang huli mong baraha kung sakaling masibak ka sa trabaho.
  • Alagaan mo ang iyong sarili. – Upang hindi ubusin ng hospital bills ang iyong retirement pay, panatiling malusog ang iyong pangangatawan. Alagaan mo ang iyong sarili at walang ibang gagawa niyon para sa iyo kundi ikaw. Magkaroon ng sapat na tulog, kumain nang tama, at huwag kalimutang mag-exercise araw-araw.