Nadine Samonte

NAG-EXPIRE na last July ang tatlong taong exclusive contract ng dating Starstruck 1 alumna na si Nadine Samonte sa TV5.

At the moment, freelancer muna ang aktres dahil feel daw niyang masubukan how it is kung walang network exclusivity at maranasan ding makapagtrabaho sa ibang TV network ng bansa.

After ng ilang guestings sa mga programa ng GMA Network after her contract expired sa TV5, Nadine returns to ABS-CBN.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

It can be recalled na bago siya napasok sa Starstruck 1, Nadine joined the now defunct Star Circle search. Hindi man siya pinalad sa reality artista search ng Kapamilya Network, pasok naman siya sa Starstruck 1 na nagbukas sa kanya ng maraming oportunidad. And the rest is history, 'ika nga.

Last October 4, muling tumuntong si Nadine sa bakuran ng ABS-CBN after a long time. Along with JM de Guzman, magkasama sila sa taping ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya ni Ms. Charo Santos-Concio titled Twists of Love at nakatakdang ipalabas this coming Saturday (kung tama ang chika sa amin ng aming source).

Dagdag kuwento ng source namin, masaya si Nadine sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapamilya Network.

Ang tanong: ito na kaya ang simula ng pagiging Kapamilya ng aktres?