Dahil sa mga bagong development sa kuwento ng Ebola, lumulutang ang posibilidad na mas maraming pumapasok sa Amerika ang naapektuhan ng sakit. Gayunman, sinabi ng mga eksperto sa medisina, na iisa lang ang nagpositibo sa Ebola sa Dallas, at kritikal ito.

Matagal nang nasa isolation, sinabi ng kanyang mga doktor na kritikal pero stable ang nag-iisang Ebola patient sa Amerika na si Thomas Eric Duncan, iniulat ng Associated Press.

Noong Sabado, iniulat ng Christian Science Monitor na dalawang pasahero ng United Airlines—na pinaniniwalaang galing sa Liberia—ang pinaalis ng mga tauhan ng Centers for Disease Control HAZMAT sa eroplano sa Newark Airport dahil sa posibilidad na may Ebola.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20