TARLAC CITY – Bukod sa basketball, nagmistula ring boxing arena ang basketball court sa Sitio Dalang Matua sa Barangay Maliwalo sa lungsod na ito matapos magrambulan ang mga manlalaro noong Sabado ng hapon.

Pinagtulungang bugbugin sina Alexander Pamintuan, 22; at Ariel Pamintuan, 21, kapwa residente ng Zone 4, Bgy. Maliwalo, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alexander Siron, tinukoy ang mga suspek na sina Jerold Tuazon, 32, tricycle driver ng Bgy. Pulong Bulo, Angeles City; Jay Ramos, 35, janitor; Jasser Ramos, 28, empleyado; Jonnel Ramos, 24, may trabaho; at Elibert Serrano, 24, tricycle driver, pawang taga-Bgy. Barangay Maliwalo, Tarlac City.

Ayon sa report, habang naglalaro ay aksidenteng nasiko ni Tuazon si Alexander na nauwi sa pagtatalo hanggang gulpihin ni Tuazon ang biktima, na ginulpi rin ng iba pang suspek, maging ang umawat na si Ariel.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20