Dalawang tauhan ng Philippine Army ang napatay nang pagbabarilin ng mga hinihinalang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) makaraang magsimba sa Maguindanao.

Hindi muna pinangalanan ang dalawang napatay na tauhan ng 62nd Division Recon Company dahil hindi batid ng kani-kanilang pamilya ang sinapit ng mga ito.

Ayon sa ulat sa Camp Crame, pumasok ang dalawa sa simbahan sa Barangay Poblacion, Datu Piang, Maguindanao at nagtirik ng kandila pagkatapos nagdasal dahil isa sa kanila ang malapit nang magdiwang ng kaarawan.

Pero paglabas sa simbahan ay pinagbabaril ang dalawa ng riding-in tandem na armado ng .45 caliber pistol at M16 armalite rifles na sinasabing miyembro ng BIFF.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race