RAYVER-Cruz

MARAMI sa mga kapanabayan ni Rayver Cruz ay umabante na nang husto in their respective careers. Sa kabila ng pagiging guwapo, matangkad, magaling sumayaw at umarte, bakit tila urong-sulong ang career ni Rayver?

Obserbasyon ng marami, nakakaligtaan siya ng Star Magic. Huli siyang napanood a year ago sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pero taliwas ito sa paniniwala ng aktor.

“Malaki ang tiwala ko sa Star Magic at alam kong may nakalaan silang plano para sa akin. Besides, hindi naman ako nagmamadali,” sabi ni Rayver.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Nagpapasalamat si Rayver sa Star Magic at pinayagan siyang gumawa ng horror film outside Star Cinema at leading man ni Kylie Padilla. Pero gaano katotoo na very close at may namumuong relasyon sa kanilang dalawa?

“Bago pa lang kami magkakilala and we enjoy each others company. We have so many things in common kaya’t madali kaming naging close, pero huwag sana itong bigyan ng ibang kahulugan,” saad ng aktor.

Haloween offering ng Regal Films ang Dilim na sa istorya ay parehong working students sina Rayver at Kylie na aalamin ang hiwagang bumabalot sa likod ng pagmumultong nagaganap sa dormitoryo. – Remy Umerez