Setyembre 29, 2006 nang binaril at napatay ng isang first year high school student ang isang mataas na opisyal ng Weston High School sa Cazevonia, Wisconsin sa Amerika. Pumasok sa eskuwelahan ang 15-anyos na si Eric Hainstock bitbit ang isang .22 caliber revolver at isang 20-gauge shotgun na kinuha niya mula sa cabinet ng ama.

Itinutok ni Hainstock ang shotgun sa isang social studies teacher, at sinikap ng school custodian na si Dave Thompson na maagaw ang baril mula sa binatilyo. Nang malaman ang komosyon sa hallway, sumugod ang school principal na si John Klang.

Pero nang mamataan ni Hainstock na papalapit si Klang ay dito niya itinutok ang baril. Umalingawngaw ang ilang putok ng baril at nasapol ang school principal.

Isinugod si Klang sa Reedsburg Area Medical Center, at inilipat sa University of Wisconsin Hospital pero namatay din.
National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’