Isabel-John-copy

ILANG minuto lang ang nakalipas pagkaraang mag-propose ni John Prats kay Isabel Oli sa Eastwood City Plaza noong nakaraang Miyekules ng gabi, agad itong kumalat sa iba’t ibang social media sites.

Ordinaryong malling lang ang gagawin nila nang yayain siya ni Camille Prats, sister ng kanyang boyfriend kaya nagulat si Isabel sa flash mob at nang biglang lumitaw si John.

Pagkatapos ng flash mob, video message ni John na napanood sa isang building sa Eastwood City, at firework display around the area, lumuhod si John para tanungin si Isabel at alamin ang kasagutan nito sa harap ng mga tao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gulat man sa pangyayari, nakuha na ring sumagot ng “Yes!” ni Isabel.

Mukhang taon ito ng celebrity engagements. Nauna nang nag-propose ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa kanyang GF na si Neri Naig sa isang farm sa Batangas.

Nasundan ito ng live wedding proposal ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa nobyang si Marian Rivera sa self-titled dance show niyang Marian sa GMA. Their wedding is slated to happen on December 30 sa Immaculate Conception Catheral sa Cubao.

Sa Sorsogon City naman naganap ang wedding proposal ni Sen. Chiz Escudero sa girlfriend na si Heart Evangelista. Sa February 2015 nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib.

Who’ll follow suit? Abangan natin kung sinu-sino pa ang mga susunod na magpapakasal.