DASMARIÑAS CITY, Cavite – Isang lalaki ang namatay matapos bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa isang pampasaherong bus sa Aguinaldo Highway sa Barangay Sampaloc sa siyudad na ito.

Kinilala ang nasawi na si Rizaldo David Montoya, 53, ng Sikap Ville, Barangay Sabutan, Silang, Cavite.

Ayon kay PO2 Ronald A. Manaig, idineklarang dead on arrival si Montoya sa Asia Medic Hospital sa Dasmariñas, na roon din dinala ang sugatang pasahero ng bus.

Matapos ang aksidente, agad na inaresto ng pulisya ang driver ng bus (UVE-717) na si Arnulfo G. Sidigo, 39, ng Yellowbell Street, Perpetual Village 7, Mambog, Bacoor, Cavite.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Minamaneho ni Montoya ang kanyang Toyota Corolla (TJS-880) nang salpukin ng bus mula sa kabilang direksiyon ng highway, na itinuturing na accident-prone dahil sa mga pedestrian na biglang tumatawid. (Anthony Giron)