Richard-Yap-copy (1)

MARAMI ang humahanga sa propesyonalismo nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria dahil kahit may kani-kanya silang karelasyon ay nagagampanan nila nang kapani-paniwala ang papel bilang mag-asawa sa Be Careful With My Heart

Kaya sa Q and A ng thanksgiving/farewell presscon ng BCWMH, may magtanong kay Richard kung magkakagusto ba siya kay Jodi kung sakaling binata pa siya.

“I don’t know, mahirap sagutin ‘yan kasi si Jodi naman hindi mahirap mahalin, lovable person, ano siya funny, she always makes fun of me. So, hindi muna namin inisip ‘yun kasi we really treat each other as friends, so... ‘yun,” sabi ni Sir Chief.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aminado ang tsinitong aktor na ngayon pa lang ay nalulungkot na siya na magtatapos na ang serye nila sa November 28.

“Hindi talaga mawawala ‘yung sadness na it has to end. We’re also happy that maganda ‘yung show ngayong patapos na hindi kailangang tapusin kasi... (hindi maganda ang ratings). Lahat naman may katapusan,” saad ni Ser Chief. Ang tanong ng marami, paano tatapusin ang kuwento ng Be Careful With My Heart?

“Wala pa kaming ideya, hindi pa nai-share sa amin,” saad ni Richard Yap.

Sasabak naman siya sa pelikula pagkatapos ng BCWMH.

“I’ll be shooting the movie with Vice (Ganda), Praybeyt Benjamin 2, so ‘yun pa lang ang alam ko,” say ng aktor.

Bukas ang aktor sa anumang papel na ibibigay sa kanya sa mga susunod niyang proyekto.

“Kahit ano naman ang offer sa akin basta maganda ang istorya. Pero siyempre, of course, gusto naming gumawa ng iba naman, hindi ‘yung ganitong role, puwedeng may konting action, konting comedy, something like that. Hindi naman all out action, parang ‘yung (ginagawa) ni Liam Neeson,” say niya sa amin.

Wala raw problema kahit kontrabida role ang ibigay sa kanya.

“Okay din, why not, basta it’s a good role, hindi naman ako mapili, maski sino naman (ang makasama), I’m open to anyone, pairing with anyone.”

Plano niyang pumunta ng ibang bansa pagkatapos ng BCWMH, “Siguro next year, or December, para maka-bonding ko naman ang mga bata quite sometime. Siguro ‘pag bakasyon na nila ulit.”

Hindi niya itinangging nawalan siya ng oras para sa mga anak niya, “Oo, hindi kami nagkikita. Minsan text lang ‘pag paalis sila, ako rin paalis din, minsan hindi rin kami nagkikita kasi tulog pa ako.”

Labis-labis ang pasasalamat si Richard sa asawa niya na sobrang maunawain.

“Hindi naman (nagtatampo) kasi parati kaming nag-uusap maski na nasa set ako, lagi kaming nagtatawagan. Walang problema sa kanya kasi alam niyang trabaho lang. Kung wala ka namang ginagawa, siyempre walang guilt feelings, so she’s very understanding kasi alam naman niya kung ano’ng pinasok ko.”

Katunayan, number one fan nila ni Maya ang kanyang misis.

“She’s our number one fan, kasi kapag kami (magkaeksena) sinasabi niya (misis), ‘o, ayusin mo ha, hawakan mo siya (Jodi).”

At sa tanong namin kung pinapanood nito pati ang kissing scene nila ni Maya, “Oo, siya rin ang nagsasabi para kiligin ang mga tao, walang selos talaga, never talaga,” kuwento ni Richard.

Sa mga nakasama niya sa projects, si Jodi talaga ang gusto niya.

“Si Jodi kasi siya ‘yung kasama ko, longest running show so far. ‘Yung iba naman kasi medyo maiksi lang, so hindi naman masyadong na-focus on that love team.”

Hindi niya maitanggi na malaki ang nagawa ng Be Careful With My Heart sa buhay niya, dito siya sumikat nang husto.

“Of course, mas grabe ang work load, dumami ang exposures ko sa viewers, endorsements, open up door to my singing career, so medyo maraming nagbago talaga sa akin, I don’t have much privacy like what I did before, pero I think, it all good naman,” aniya. Usapan na sa apat na sulok ng ABS-CBN na mahihirapan ang programang ipapalit sa timeslot na iiwan ng BCWMH dahil baka hindi ito mag-rate tulad nila.

“Well, I think kahit kami kung kami ulit ang papalit sa slot na ito, we’re not sure kung (tanggap), I think, everybody should do their best and nasa story din ‘yan at actors at kung matatanggap ng mga tao na maganda, eh, ‘di they have the winning formula, right now hindi rin natin masasabi kung sino ang papalit or sino ang mga actors and what kind of story,” pagtatapos ni Richard.

Sino nga ba ang bagay na leading lady ni Richard sa susunod niyang serye?