Nakahanda na ang buong pulo ng Mindanao para sa world record attempt na “Treevolution” na isasagawa ngayong Biyernes, Setyembre 26.
Ayon kay Eric Gallego, Regional Information Officer ng Department of Environment and National Resources (DENR) Caraga, handa na ang lahat ng kanilang mga sangay ng tanggapan sa buong Mindanao upang masigurong maaabot sa isasagawang isang oras na tree planting ang world record attempt para sa “Most Number of Tree Seedlings Planted” sa iba’t ibang lokasyon.
Napag-alaman na sa Caraga Region pa lamang, aabot na sa 230,000 volunteer planters ang sasali sa pagtanim ng 4.6 milyong punla na titiyak na mahihigitan ang naitala ng India noong 2011 na 1.9 itinanim na puno sa loob ng isang oras.