JODI-Sta.-Maria

SI Jodi Sta Maria pala ang gaganap na Ms. Amor Powers sa remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nakatakdang iere sa susunod na taon.

Kuwento ng source namin sa production ay ang ka-loveteam ni Richard Yap sa Be Careful With My Heart ang napili ng ABS-CBN management na gumanap sa naging papel ni Eula Valdes bilang si Amor Powers sa version nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales na talagang tumatak sa mga manonood dahil sa kanyang katarayan at sosyal na pananamit.

Ang tanong namin, magtatapos na ba ang Be Careful With My Heart?  Kasi paano pagsasabayin ni Jodi ang dalawang serye?  Kung MWF ang taping ng BCWMH at gagawing TTHS naman ang Pangako Sa ’Yo, anong mangyayari kay Jodi?

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaya pakiramdam namin ay malapit nang magbabu sa ere ang kilig-serye nina Ser Chief at Maya.

Maninibago tiyak ang manonood kay Jodi dahil magkasalungat ang papel niya sa BCWMH dahil kontrabida naman siya sa Pangako Sa’ Yo na aapihin nang  todo ang hindi nakilalang anak na si Ynah Macaspac na gagampanan ni Kathryn.