GAGANPIN na sa Linggo (Setyembre 28) sa Araneta Coliseum ang inaabangang finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa Pilipinas na Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2014 na iho-host nina Kim Chiu, Xian Lim, Robi Domingo, at Alex Gonzaga.

Itatampok sa gabi ng parangal ng Himig Handog ang live performance ng ilan sa pinakasikat na singers sa bansa na aawit top 15 finalist songs na komposisyon ng mga beterano at baguhang Filipino composers.

Si Morissette ang interpreter ng Akin Ka Na Lang na komposisyon ni Francis Louis Salazar, Jessa Zaragoza para sa Bumabalik ang Nagdaan ni Sarah Jane Gandia, Jovit Baldivino para sa Dito ni Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera, Ebe Dancel kasama si Abra para sa Halik sa Hangin ni David Dimaguila, Angeline Quinto para sa Hanggang Kailan ni Jose Joel Mendoza, Juris para sa Hindi Wala ni Nica del Rosario, Jed Madela para sa If You Don’t Want to Fall ni Jude Gitamondoc, Janella Salvador para sa Mahal Kita Pero ni Melchora Mabilog, KZ Tandingan para sa Mahal Ko o Mahal Ako ni Edwin Marollano, Michael Pangilinan para sa Pare Mahal Mo Raw Ako ni Jovinor Tan, Marion Aunor tampok sina Rizza at Seed para sa Pumapag-ibig ni Jungee Marcelo, Daniel Padilla para sa Simpleng Tulad Mo ni Meljohn Magno, Bugoy Drilon para sa Umiiyak ang Puso ni Rolando Azor, at Jugs and Teddy para sa Walang Basagan ng Trip ni Eric De Leon. Ang songwriter-finalist nasi Hazel Faith dela Cruz ang aawit ng kanyang komposisyon na Everything Takes Time.

Mabibili ang tickets para sa Himig Handog P-Pop Love Songs finals night sa Ticketnet.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Para sa karagdagang impormasyon at sa kumpletong voting mechanics para sa mga special award, bisitahin ang Himighandog.abs-cbn.com, i-like ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.