WASHINGTON (AFP)— Sinira ng Apple ang kanyang naunang sales record nito para sa opening weekend ng isang bagong iPhone model, naghahatid ng 10 milyon sa loob ng tatlong araw at ipinagmamalaking kaya nitong magbenta ng mas marami pa kung mayroon pang natira.

“Sales for iPhone 6 and iPhone 6 Plus exceeded our expectations for the launch weekend, and we couldn’t be happier,” sabi ni Apple chief executive Tim Cook noong Lunes.

Ang opening weekend sa large-screen iPhone ay nagpahintulot sa Apple na malagpasan ang rekord nito sa launch weekend sales na siyam na milyon, na itinakda noong nakaraang taon ng ilunsad ang iPhone 5S at 5C.

Ang mga bagong modelo ay inilunsad noong Biyernes sa United States, Britain, Australia, Canada, France, Germany, Hong Kong, Japan, Puerto Rico at Singapore.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mabibili na rin ito sa mahigit 20 karagdagang bansa mula sa Setyembre 26, at sa 115 bansa sa katapusan ng taon.