INCHEON, Korea— Ang familiarity ng Filipino boxers sa kanilang 17th Asian Games foes ang ilan sa bentahe nila.

Ngunit ang actual battles na magsisimula bukas ay ‘di ikinabahala ng boxers kung saan ay nagtungo sila dito na nakahanda.

“We’re ready,” deklarado ni head coach Nolito Velasco, kapatid ni Olympic medalists Rhoel at Onyok.

Si Rhoel ang aaktong assistant coach sa nakatatandang kapatid na si Nolito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Na-scout namin ang kalaban sa mga tournaments na sinalihan namin. Pero sigurado din ako na na-scout din nila kami. Pero pantay-pantay lang dito sa boxing, patibayan na lang iyan sa ring,” ayon kay Nolito.

Kumpiyansa rin si Nolito na walang mangyayari kaguluhan sa lahat ng kanyang walong boksingero na sasailalim ngayon sa weigh-in.

“Mahaba ang preparasyon namin para dito e. Since January pa lang, sumabak na kami sa training at mga tournaments. Kaya kahit sa timbang, alaga namin ang mga boksingero,” giit pa ni Nolito.