Eugene-Domingo-copy

HINDI lang netizens ang may reaksiyon sa pagkakaroon ng 20 year-old boyfriend ni Ai Ai delas kundi pati ang kapwa niya artista.

Hindi naiwasan ng kaibigan ni Ai Ai na si Eugene Domingo ang mag-react.

“Na-shock ako nang husto!” napatawang banggit ng premyadong komedyana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero susog ni Eugene, kung tutuusin ay wala naman tayong pakialam dahil sariling buhay naman ‘yun ni Ai Ai at may sariling pag-iisip naman ang comedy concert queen.

“Huwag rin naman nating kalimutan na may sarili naman siyang mga pangangailangan. Eh, hindi naman natin… we have no right you know, even to react. But I just hope that she’s happy,” sey pa ni Ms. Eugene.

Pero sa kalagayan daw ngayon ni Ms. Eugene ay hindi niya nai-imagine na magmahal ng lalaki na masyadong younger sa kanya. Hindi rin naman daw niya hilig eversince ang makipagrelasyon sa mas bata sa kanya ng hindi hamak.

Mas gusto niya na mas may edad sa kanya ang guy para naman magiging “baby” siya ng lovey-dovey niya.

Ilang taon na rin namang walang lovelife o special someone si Eugene Domingo pero hindi naman niya hinahanap ‘yun. Aniya, ang pagkakaroon ng mamahalin at magmahal sa kanya ay hindi niya prayoridad sa buhay.

Samantala, kung may nakakaintindi ay may nakausap naman kaming isang nakasama na dati at naging kaibigan ni Ai Ai na hindi pabor sa lovelife niya.

Ayon sa nakausap naming aktres, parang kumuha lang ng batong ipupukpok sa sariling ulo ang komedyana. Pero banggit niya, sana nga ay magtagal ang relasyon ni Ai Ai sa 20 year old guy.