Namatay ang isang kawatan nang matusok ang dibdib nito sa nakausling bakal, makaraang tumalon sa bakod na kanyang pinagnakawan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Beinvenido Marcelo, alyas Ben-Ben, 42, may asawa, ng No. 135-S Yanga Street, Barangay Maysilo ng nasabing lungsod, na agad namatay sa tinamong malalim na sugat sa dibdib.

Sa pahayag ni Calib Tan, pumasok ang suspek at nagnakaw ng cable wire sa abandonadong bodega ng Royal Feeds, dakong 6:00 ng hapon. Naramdaman umano ni Marcelo na may tao sa loob ng bodega kaya dali-dali itong tumalon sa bakod, subalit hindi niya napansin ang nakausling bakal at doon siya tumama. - Orly L. Barcala.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20