Sarah-Geronimo-copy

DAHIL sa nakitang pictures na magkaakbay at magkayakap na nagpapakitang “lovers very much in love” ay hinigpitan na naman ni Mommy Divine si Sarah Geronimo sa pagsama-sama sa boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

Ayon sa source namin, lately ay palagi na uling nakabantay si Mommy Divine kay Sarah at sumasama uli ito sa halos lahat ng lakad ng dalaga. Wala na rin daw tiwala si Mommy Divine sa mga taong madalas na kasa-kasama ni Sarah, kaya may tatanggalin na naman daw ito.

Kaya ganoon na lang daw ang pag-iingat ngayon ni Matteo tuwing magkasama sila ni Sarah. Kung dati raw ay nakangiti na sa kanya si Mommy Divine tuwing binabati ito, ngayon daw pati pagbeso ng binata ay umiiwas na rin ng ina ng dalaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ingat na ingat na ngayon si Matteo. Kahit sa kinahihiligan nila ni Sarah na archery, eh, hindi na siya dumidikit kay Sarah.

“Kasi nga naman may eyes of the dragon na nakamasid sa kanila,” napatawang banggit pa ng source namin.

Sabi ng source, sa may bandang Ortigas nagkikita ngayon sina Sarah at Matteo para sa kanilang archery lessons. Pero madalas na nauuna si Matteo at pagdating ni Sarah ay hanggang kamay lang puwedeng humawak ng aktor.

Kinausap daw kasi lately ni Mommy Divine si Matteo sa telepono at may mga ipinaalala ito tungkol sa relasyon ng aktor sa anak niya.