Naglaan ng pabuya ang pamahalaang lungsod ng Antipolo sa makapagtuturo sa kinaroroonan nina dating Barangay San Luis Chairman Andrei Zapanta at ng treasurer nito na nahaharap sa graft, malversation of public funds at falsification of public documents.

Dalawang daang libong piso ang naghihintay sa makapagbibigay ng impormasyon para madakip sina Zapanta at dating barangay treasurer na si Alfredo Garcia.

Inalis sa puwesto sina Zapanta at Garcia makaraang mapatunayan ng Office of the Ombudsman na may sapat na batayan ang reklamo ng mga guro sa day care center na nagsabing sa pamamagitan ng pamemeke ng mga pirma at binawasan umano ang sahod ng mga teacher noong 2010.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho