Arestado ng pulisya si Jericho Rosales, na kapangalan ng isang sikat na aktor, dahil sa umano’y pagnanakaw sa kasagsagan ng bagyong ‘Mario’ sa San Juan City noong Biyernes.

Ayon sa mga opisyal ng Eastern Police District (EPD), naaresto si Rosales matapos makunan ng closed-circuit television (CCTV) camera habang tinatangay ang mga ari-arian ni Antolin Canero mula sa bahay nito sa panulukan ng Mariano Marcos at Wilson St., Barangay Maytunas, San Juan dakong 8:00 ng umaga noong Biyernes.

Kabilang sa mga nakulimbat umano ni Rosales ay P50,000 cash, isang digital camera, dalawang cell phone, credit card, checkbook at isang maliit na bag na naglalaman ng mga laruang pambata.

Naaresto ang suspek sa isinagawang follow up operation matapos mamukaan si Rosales sa CCTV footage.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa kanyang mga tinangay, nabawi rin ng pulisya sa suspek ang isang screw driver na ginamit nito sa pagbukas ng door lock sa bahay ng biktima. - Rizal S. Obanil