Itinakda ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa lahat ng volleyball players na nagnanais mapasama sa bubuuing men’s at women’s indoor volley team ang huling araw ng tryout sa darating na Biyernes (Setyembre 26).

Ito ang inihayag ni PVF secretary general at national team director Dr. Rustico “Otie” Camangian hinggil sa tryout na isasagawa sa Ninoy Aquino Stadium para sa lahat ng players na hindi nakadalo sa tryout noong Setyembre 4-5 sa kalalakihan at Setyembre 8-9 sa kababaihan.

“We’ve set a one-day final tryout for those that could not attend the first selection dates. Marami pa kasi ang natapat sa exams sa kanilang schools at iyong iba naman ay nasa probinsiya. We decided to give them a fair chance for a possible slot in the national team,” sabi ni Camangian.

“We are looking at a 32-man line-up for both men’s and women’s team. Hindi lang kasi tayo naka-focus na makabuo ng national teams kundi tinitingnan din natin iyong ibang age groups saka iyong mga international tournament na ating sasalihan,” pahayag pa ni Camangian.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Gusto sana natin ay magkakasama ang mga beterano at batang player para mayroon tayong continuity. At least matuturuan ng mga beterano iyong mga batang players,” dagdag ni Camangian.

Una nang nabuo ng asosasyon ang koponan para sa under 18 na isasabak nila sa AVC Asian Under 17 Volley Championships sa Nakhon Ratchisima sa Thailand habang bubuuin naman ang Under 23 na hahataw sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Under 23 Women’s Championships sa Mayo 2015 sa bansa.

“We will be also on the look-out doon sa mga players sa probinsiya where we will staged a tryout also. But for now ay kailangan na kasi na buuin agad ang mga national teams,” paliwanag ni Camangian.