Martin Escudero_LITO copy

MARAMI ang nagtatanong sa amin kung nasaan na ang dating Starstruck winner at TV5 talent na si Martin Escudero na tila hindi na visible sa showbiz. His fans are eagerly awaiting for Martin's return on the local boobtubes.

Ang huling serye ng aktor sa TV5 ay Obsession. Ang alam namin, kahit nag-expire na ang kontrata ay nasa TV5 pa rin naman ang young actor. Naging permanenteng tahanan na ni Martin ang Nova studio since he transferred from GMA Network. For three or more years, hindi na rin mabilang ang seryeng ipinagkatiwala sa kanya na halos ay pinagbidahan niya. Notable sa mga ito ang Positive at Kapitan Awesome.

Kung hindi kami nagkakamali, kasama pa rin si Martin sa cast ng Tropa Mo Ko Nice Di Ba? with Ogie Alacasid, Gellie de Belen, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman at marami pang iba. Nevertheless, may pagkakataon na ring mapanood uli si Martin sa TV sa isang episode ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay, airs at 8 PM, hosted by Richard Gomez at K Brosas.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kasama siya sa Team Hunky Pankies nina Will Devaugh at Victor Basa kontra sa Team Funny Bunnies nina Wilma Doesnt, Bekimon at Keanna Reeves. Exciting ang episode ng Quiet Please! this Sunday dahil sa mga komedyanteng naimbitahan para maglaro.

Mapapatahimik kaya ni Goma sina Wilma, Bekimon at Keanna o mag-iingay ang tatlo dahil sa abs at kamachohan nina Martin, Will at Victor? Sino sa magkalabang team ang mag-uuwi ng tumataginting na P300 cash prize ng Quiet Please! Abangan!