Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government unit (LGU) na himukin ang kanilang mga constituent na isumite ang kanilang mandatory validation of voters’ registration bilang paghahanda sa halalan sa Mayo 2016.

Sa isang memorandum circular, hinikayat ni DILG Secretary Mar Roxas ang local chief executives (LCEs) na pumunta sa mga barangay para ipaalam sa kanilang constituent-registered voters tungkol sa kahalagahan ng pagsusumite ng kanilang mandatory validation of registration, dahil ang kabiguang maisagawa ito ay magreresulta sa deactivation o pagkakatanggal ng kanilang pangalan sa listahan ng mga botante. - Czarina Ong
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20