NGAYONG Setyembre 6-7, maghanda na ang lahat dahil magsisimula na ang paghahanap sa susunod na tatanghaling Ultimate Survivors dahil magbabalik telebisyon na ang original artista search ng GMA-7 na Starstruck.

Bukas ang auditions sa lahat ng Filipino nationals na may edad 15-20. Maaaring kumuha ng registration forms sa Setyembre 6 (Saturday), 4:30 PM sa Souvenir Shop, GMA Annex.

Kasabay nito, magkakaroon din ng distribution of registrations forms sa mga sumusunod na lugar: CSI Mall Atrium, SM City Batangas, SM City Cebu, SM City Bacolod, SM City Naga, SM City CDO, SM City Pampanga, SM City Iloilo, at SM City Davao.

Ang first 500 registrants sa Metro Manila ay ma-aaccomodate sa September 7 (Sunday) para sa auditions kick off sa Sunday All Stars. Ang audition proper ay magsisimula ng 1 PM sa Studio 6 ng GMA Annex.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para sa karagdagang impormasyon at audition schedules, bisitahin lamang ang mga sumusunod na official social media accounts sa Facebook: StarStruckGMA; sa Twitter: @StarStruckGMA; at sa Instagram: @StarStruckGMA.