BAMBAN, Tarlac - Natigmak ng dugo ang highway sa Barangay Anupul sa bayang ito matapos magbanggaan ang isang van at isang kotse na ikinasawi ng isang driver at grabeng nasugatan ang anim na iba pa noong Lunes ng umaga.

Namatay si Rowell Sibal, 30, driver ng Mazda sedan car (ULL-719), ng Bgy. Dela Cruz, Bamban, Tarlac, habang sugatan namana ng pasahero niyang si Jeffrerson Catacutan, ng Bgy. Anupul.

Nasugatan din ang mga lulan sa Kia Besta Van (WRW-607) na sina Cresencio Dimalanta, 51, driver; Benjamin Guinto, 66; Edilberto Guevarra, 45, ng Bgy. Dolores; Alfredo Tamayo, 47, ng Bgy. Sta. Rita, Capas; at Genaro Garcia, 50, ng Bgy. Anupul, Bamban, Tarlac.
National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!