Pokwang

KASALUKUYANG nasa America si Pokwang. Umalis ng bansa ang komedyana kamakailan at may tatlong linggo siyang mananatili sa US.

Nagdiwang ng kaarawan si Pokwang last August 27 pero ang pagpunta niya sa America ay hindi bakasyon o pa-birthday sa kanyang sarili kundi para sa isang pelikulang gagawin niya roon.

Si Pokwang ang muling napili ng produksiyon upang gawing bida sa pelikulang Ms. Edsa Woolworth na bahagi ng pagdiriwang ng 20th anniversary ng The Filipino Channel. Ang naturang pelikula ay ididirihe uli ni John-D Lazatin.

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

Matatandaang si Direk John-D Lazatin din ang direktor ng 2012 movie ng TFC na A Mother’s Story na umani ng magagandang reviews at mga papuri sa mahusay na pagganap ng bidang si Pokwang.

“Ako’y maghahanapbuhay muna, tiis na hindi makasama ang anak,” banggit ni Pokwang.

Samantala, sa mismong set ng pelikula, ipinagdiwang ni Pokwang ang kanyang kaarawan.