NAKATSIKAHAN namin ang taga-Bottomline na nagsabing nakatakda na raw mag-taping ang host nilang si Boy Abunda sa susunod na linggo.

Boy AbundaTinanong kasi namin siya kung totoong iiwanan na ni Kuya Boy ang nasabing programa dahil nga kailangan niya ng matagal na pahinga at isa nga raw ang Bottomline sa mawawala.

Say ng taga-Bottomline, “It’s not true! Nakakausap na namin siya and he’s ready to tape next week, not this week. Tinanong namin kung kaya na niya, okay na raw siya.

“Kasi kami we’re ready naman to shoot maski wala si Kuya Boy, maski docu muna, eh, sabi naman ni Kuya Boy, he’s okay na, konting pahinga lang.”

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Naitanong din namin kung babalik na rin ang King of Talk sa The Buzz at Aquino & Abunda Tonight next week.

“That I do not know, I’m talking about Bottomline lang, ‘yun lang ang napag-usapan, hindi na kami nagtanong about the other programs,” mabilis na sabi sa amin.

As of now ay wala kaming maisip na puwedeng ipalit kay Kuya Boy bilang ka-tandem ni Kris Aquino sa A&A Tonight at sa The Buzz.