Piolo-Pascual-copy

MATATAPOS na nga ba ang Hawak Kamay?

Kumalat kasi ang tsikang ito last weekend at may taga-GMA-7 na nagtanong sa amin dahil nasusulat nga na nalulungkot ang cast, production staff and crew ng seryeng Niño na biglang namaalam gayong mataas naman daw ang ratings kumpara sa Hawak Kamay ni Piolo Pascual na malapit na rin daw magtapos.

Nagulat kami kasi kamakailan lang ito umere at ang alam namin ay tumaas na ang ratings nito lalo na noong isinama nila ang The Voice Kids grand winner na si Lyka bukod pa kay Juan Karlos na ipina-partner kay Andrea Brillantes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya nagtanong kami sa mga taga-ABS-CBN tungkol dito pero iisa ang sabi sa amin: “Hindi po, bakit?”

Hayan, maliwanag na sa mga nagtatanong na hindi mawawala ang Hawak Kamay.

Samantala, malaki ang naitulong ni Lyka sa serye nina Piolo, Iza Calzado at Nikki Gil kasama sina Zyriel Manabat at Zaijian Jaranilla dahil mas lalo pa raw tumaas ang ratings nito.

Kaya lang, may bagong serye rin si Lyka, ang Nathaniel, so ano’ng mangyayari, iiwan niya ang Hawak Kamay? Special guest lang ba siya roon?

May ugong na Nathaniel ang papalit sa Hawak Kamay pero ayon sa source namin, wala pang definite date ang airing nito. Sinigurado ng taga-Dos na, “Basta hindi pa po magtatapos ang Hawak Kamay.”