Hiniling ng mga abogado ni Atty. Jessica Lucila Reyes, dating chief of staff at ngayo’y kapwa akusado ni Senator Juan Ponce Enrile, sa Sandiganbayan na payagan siyaNG sumailalim sa eksaminasyon matapos mabagok ang kanyang ulo nang makaranas ng anxiety attack.

Sa mosyon na isinumite sa Sandiganbayan Third Division, hiniling ng mga abogado ni Reyes na isailalim ang utak nito sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) at Magnetic Resonance Aniogram (MRA) na partikular na nakatutok sa kanyang facial nerve.

Ito ay matapos mahilo si Reyes bunsod ng anxiety attack at tumama ang kanyang ulo sa pader ng kanyang piitan sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa noong Agosto 5.

Simula noon, sinabi pa ng mga abogado ng akusado na nakararanas na ito ng "intermittent spasms of her right eyelid and cheek as well as noticing a progressive slurring in her speech and a slight deposit of saliva on her lip". - Jeffrey G. Damicog
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands