CABANATUAN CITY - Walang pasok ngayong Martes sa buong Nueva Ecija upang bigyang pagkakataon ang mga Novo Ecijano na matunghayan ang iba’t ibang programa sa Nueva Ecija Convention Center at sa ibang lugar, gaya ng Cabiao at San Isidro, na may kani-kanilang inihandang aktibidad para sa araw na ito.

Ayon kay Gov. Aurelio “Oyie” Matias Umali, para sa selebrasyon ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija ay magkakaroon ng Service Caravan sa 27 munisipyo at limang lungsod sa probinsiya, kabilang ang medical at dental check-ups, pagbabakuna sa mga bata, pagbabakuna sa mga hayop, legal assistance, training para sa mga makabagong teknolohiya ng pagsasaka, at pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan. - Light A. Nolasco
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20