Overused, obsolete at nangangailangan ng total rehabilitation ang pasilidad ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa lingguhang forum sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni Rhoel Bacar, pangulo ng CB&T Philippines at dating contractor sa repair at maintenance ng MRT, na matagal na nilang ipinaalam sa Department of Transportation and Communications (DoTC) na palyado at kailangan nang palitan ang mga pasilidad ng MRT, kabilang ang signaling system, elevator at riles.

“The efficiency of the system is questionable since 2010,” ani Bacar.

Aniya, ang palyadong sistema ng MRT ay maaaring magdulot ng aberya, gaya ng delay sa biyahe na magreresulta sa inconvenience ng mga pasahero.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Bacar na kailangang i-upgrade ang pasilidad ng MRT lalo at darating ang 48 bagong bagon na binili ng gobyerno mula sa China.