Coco Martin

GRABE pala ang Cocoholics sa ibang bansa, Bossing DMB! Ang aga-aga ay nakulili ang tenga namin sa katutunog ng cellphone namin galing sa mga pinsan, kaibigan at kaibigan ng mga kaibigan namin na iisa ang tanong, “Coco and KC are dating?”

May nabasa pala kasi sila sa social media na nagdi-date na sina Coco Martin at KC Concepcion at seryoso nga raw ang Ikaw Lamang leading man sa dalagang anak ni Sharon Cuneta.

Talagang napa-ha? kami to the highest level kaya kami ang nagtanong kung anong site dahil wala yata kaming alam at imposibleng mangyari iyon!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bigla tuloy kaming nag-browse sa Internet para hagilapin kung may isyu nga bang nagdi-date na sina Coco at KC at sakto, may interview ang aktor na wish nga raw niyang matuloy na (ang date nila) dahil never pa raw silang lumalabas at puro lang tsismis.

KC Concepcion

Sa tanong kung posibleng magkagusto si Coco sa isa sa leading lady niya sa Ikaw Lamang serye, ang sagot niya, “Siguro, masyado pang maaga para sabihin ’yun. Pero ngayon, sabi ko nga, napakasarap niyang katrabaho and then, naglu-look forward ako na sana, maging magkaibigan talaga kami.”

Ipinasa namin ang sagot ng aktor sa mga nangungulit sa amin at ang halos iisang reaksiyon nila, “Good, kasi mas bagay sina Coco at Kim (Chiu), saka, ‘di ba, si KC kay Paulo Avelino na?”

Hayun naman pala, mas feel ng Cocoholics si Kim para sa aktor.

Oo nga, bagay talaga sina Coco at Kim at napakaraming kinikilig sa kanila. Parang cute siguro ng magiging tsikiting nila kung sila ang magkakatuluyan, ‘no, Bossing DMB, tsinito at tsinita at tiyak na maganda ang kulay.

Ang tanong, sa tunay na buhay... gusto ba nila ang isa’t isa?