Binatikos ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagtatanggal ng Department of Education (DepEd) ng mga salitang “formation of functionally literate and God-fearing Filipinos” mula sa vision statement ng kagawaran.
Kasabay nito, hinimok din ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga guro na ipagpatuloy ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa Panginoon, sa kabila nang pagbabago ng vision ng DepEd.
“A vision statement is not an empty platitude. It guides the articulation of policy. It orientates plans of action. While maka-Diyos remains one of the Department’s core-values, we maintain that the formation of God-fearing pupils and students is a vision that cannot be surrendered,” ayon kay Villegas.
Ikinalulungkot din ni Villegas na ang 2013 version ng vision ng DepEd ay wala nang pagbanggit sa Panginoon o sa “salutary fear” sa Kanya.
“The Department’s VMV (vision-mission-values statement) is one document and should be read in its entirety to grasp the full meaning. It is a living document that is meant to reinvigorate our Agency and society as a whole. It is meant to permeate and to affect the way we behave and how we find solutions to complex issues. It is meant to be part of public discourse and personal transformation. It is not static and not intended for mere posting on walls and tables,” aniya pa.
Iginiit naman ni Villegas na ang karapatan ng mga bata na kilalanin ang Panginoon, mahalin Siya at magkaroon ng pag-asa sa Kanya, ay hindi naman nakasasama sa kahit sino.