BACOLOD CITY – Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magbibigay ang kagawaran ng P90,000 pabuya sa sinumang makatutulong para maaresto ang natitirang suspek sa pagpatay sa isang huwes noong 2012.

Ayon sa DILG, naglabas ng reward laban kay Rustom Puro, most wanted sa Western Visayas at isa sa mga suspek sa pagpatay kay Judge Henry Arles, ng Negros Occidental.

Una nang sumuko sa awtoridad ang iba pang suspek na sina Eddie Fortunado, Jessie Daguia at Alejandro Capanong, na pinaniniwalaang pawang miyembro ng grupong rebelde. - Jun N. Aguirre
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20