Kapanalig, may kumakalat na sakit ngayon sa Africa ang Ebola na nagdadala ng matinding takot sa maraming bansa. Ano nga ba ang Ebola, at bakit ba kinatatakutan ito? Ayon sa World Health Organization o WHO, ang Ebola virus disease (EVD) ay isang seryoso at nakakamatay na sakit. Ang outbreaks nito ay may fatal rate na 90 percent. Ang sakit na ito ay kadalasan nakikita sa malalayong komunidad sa Central at West Africa. Ang sakit na ito ay nanggaling sa wild animals.

Ang isang tao na nagkaroon ng contact sa dugo, secretions o anumang bodily fluid ng mga hayop na naimpeksyon ng Ebola ay maaring mahawa. Sa Africa, ang mga nagkasakit ng Ebola ay ang mga taong humawak ng mga chimpanzee, unggoy, o fruit bat na namatay sa mga rainforest. Kumakalat naman ito sa mga tao sa pamamagitan ng human-to-human transmission. Hanggang ngayon, wala pa ring bakuna o gamot para sa sakit na ito. Unang nagkaroon ng outbreak nito noong 1976 sa Nzara, Sudan, at Yambuku, Democratic Republic of Congo. Ang Yambuku ay malapit sa Ebola River, at dito na rin pinangalan ang kinatatakutang sakit.

Ang ating bansa, bagamat nagkaroon ng premature Ebola scare, ay ligtas pa rin sa sakit na ito. Dapat tayo ay manatiling ligtas, hindi lamang sa Ebola, kundi kahit sa ano pa mang epidemya na maaring tumama sa ating bansa. Malaki kasi ang implikasyon ng epidemya hindi lamang sa kalusugan ng tao, kundi sa kalusugan din ng ating ekonomiya. Matatakot ang mga investor. Ayon sa Asian Development Bank, ang health scare ay may epekto kagaya ng massive political upheaval sa anumang bansa. Ito ay isang shock sa sistema na maaaring makasira sa ating kaunlaran.

Mahalaga na manatiling malakas ang health system sa ating bansa. Dapat ding matatag ang ating mga local government dahil sila ang frontliner laban sa sakit. Mahalaga itong responsibilidad dahil hindi lamang kalusugan ng iilan ang nakakasalalay dito, kundi kalusugang ng kanilang mga lokal na teritoryo pati na rin ang lokal at nasyonal na ekonomiya. Bukod pa rito ay kung mayroon tayong nakahandang sistema at ahensya o ugnayan ng mga ahensya kapag nagkaroon ng epidemya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina